Manuel A. Roxas Elementary School
Manuel A. Roxas Elementary School -
Tayo’y Dabawenyo
Sa dakong timog ng Mindanao
May isang lungsod na hinirang
Ang likas nyang kayamanan
Ay walang kapantay
Mga bundok, dagat, lupain
laging sagana sa pagkain
Ang magagandang tanawin
Kadluan ng aliw
Mutyang Lungsod ng Dabaw
Sa iyong paglalakbay
Sa mithing kaunlaran
Ikaw ay paglilingkuran.
Tayo’y Dabawenyo
Na tapat at totoo
Pangarap ay matamo
Kaluwalhatian mo
Lungsod ng paraiso.
(Repeat – Mutya ng Lungsod ng Dabaw)